2 Mga Hari 17

Pagkatapos, nilusob ng hari ng Asiria ang buong Israel. Sa loob ng tatlong taon, pinaligiran niya ang Samaria.

2 Kings 17:5 (UKJV) Then the king of Assyria came up throughout all the land, and went up to Samaria, and besieged it three years.

3Nilusob ni Haring Shalmanaser ng Asiria si Hosea at natalo niya ito, kaya napilitang magbayad ng buwis taon-taon ang Israel sa Asiria.

4Di nagtagal, nalaman ng hari ng Asiria na nagtraydor sa kanya si Haring Hosea. Nagpadala pala ito ng mensahero kay Haring So ng Ehipto, at hindi na rin ito nagbibigay ng buwis, di-tulad ng dati nitong ginagawa taon-taon. Kaya ipinadakip siya ni Haring Shalmanaser ng Asiria at ipinakulong.

5Pagkatapos, nilusob ng hari ng Asiria ang buong Israel. Sa loob ng tatlong taon, pinaligiran niya ang Samaria.

6Nang ikasiyam na taon ng paghahari ni Hosea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinala ang mga taga-Israel sa Asiria bilang mga bihag. Pinatira niya sila sa lungsod ng Hala, sa mga lugar na malapit sa Ilog ng Habor sa Gozan at sa mga lungsod ng Media.

7Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil nagkasala sila sa Panginoon na kanilang Diyos na naglabas sa kanila sa Ehipto at nagpalaya mula sa kapangyarihan ng Faraon ng Ehipto. Sumamba sila sa mga diyos-diyosan

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.