1Noong ikatlong taon ng paghahari ng anak ni Elah na si Hosea sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Ahaz na si Ezequias.
2Siya ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Abi na anak ni Zacarias.
3Matuwid ang ginawa ni Ezequias sa paningin ng Panginoon, tulad ng ginawa ng ninuno niyang si David.
4Ipinatanggal niya ang mga sambahan sa matataas na lugar, ipinadurog ang mga alaalang bato at ipinaputol ang mga posteng imahen ng diyosang si Ashera. Ipinadurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil mula noong nagsunog dito ng insenso si Moises ay sinamba na ito ng mga mamamayan ng Israel. Tinawag na Nehustan ang tansong ahas.