35Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas sa kanilang bansa laban sa akin? Kaya papaano maililigtas ng Panginoon ang Jerusalem mula sa mga kamay ko?”
36Hindi sumagot ang mga tao dahil inutusan sila ni Haring Ezequias na huwag sumagot.
37Pagkatapos, pinunit nina Eliakim na anak ni Hilkias, Shebna, at Joa na anak ni Asaf ang damit nila sa sobrang kalungkutan. Bumalik sila kay Ezequias at ipinaalam ang lahat ng sinabi ng kumander ng mga sundalo.