2 Mga Hari 18

Nagtiwala si Ezequias sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Walang naging hari sa Juda na katulad niya, kahit ang mga nauna o mga sumunod pa sa kanya.

2 Kings 18:5 (UKJV) He trusted in the LORD God of Israel; so that after him was none like him among all the kings of Judah, nor any that were before him.

3Matuwid ang ginawa ni Ezequias sa paningin ng Panginoon, tulad ng ginawa ng ninuno niyang si David.

4Ipinatanggal niya ang mga sambahan sa matataas na lugar, ipinadurog ang mga alaalang bato at ipinaputol ang mga posteng imahen ng diyosang si Ashera. Ipinadurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil mula noong nagsunog dito ng insenso si Moises ay sinamba na ito ng mga mamamayan ng Israel. Tinawag na Nehustan ang tansong ahas.

5Nagtiwala si Ezequias sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Walang naging hari sa Juda na katulad niya, kahit ang mga nauna o mga sumunod pa sa kanya.

6Nanatili siyang tapat sa Panginoon at hindi siya tumalikod sa kanya. Sinunod niya ang mga utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises.

7Sumakanya ang Panginoon kaya nagtagumpay siya sa lahat ng ginawa niya. Nagrebelde siya sa hari ng Asiria at hindi niya ito pinaglingkuran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.