2 Mga Hari 19

Iingatan at ililigtas ko ang lungsod na ito para sa karangalan ko at dahil kay David na aking lingkod.”

2 Kings 19:34 (UKJV) For I will defend this city, to save it, for mine own sake, and for my servant David's sake.

32“Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: Hindi siya makakapasok sa lungsod ng Jerusalem, ni hindi makakapana kahit isang palaso rito. Hindi siya makakalapit na may pananggalang o kayaʼy mapapaligiran ang lungsod para lusubin ito.

33Babalik siya sa pinanggalingan niya, sa daan na kanyang tinahak. Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing hindi siya makakapasok sa lungsod na ito.

34Iingatan at ililigtas ko ang lungsod na ito para sa karangalan ko at dahil kay David na aking lingkod.”

35Kinagabihan, pumunta ang anghel ng Panginoon sa kampo ng Asiria at pinatay niya ang 185,000 kawal. Kinaumagahan, paggising ng mga natitirang buhay, nakita nila ang napakaraming bangkay.

36Dahil dito, umuwi si Senaquerib na hari ng Asiria sa Nineve at doon na tumira.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.