2 Mga Hari 19

Ipinadala ng hari ng Asiria ang kumander ng kanyang mga sundalo para kutyain ang Diyos na buháy. Baka sakaling narinig ng Panginoon na iyong Diyos ang lahat na sinabi ng kumander at parusahan ito sa sinabi niya. Kaya ipanalangin mo ang mga natira sa atin.”

2 Kings 19:4 (UKJV) It may be the LORD your God will hear all the words of Rabshakeh, whom the king of Assyria his master has sent to reproach the living God; and will reprove the words which the LORD your God has heard: wherefore lift up your prayer for the remnant that are left.

2Pinapunta niya kay Propeta Isaias na anak ni Amoz sina Eliakim na tagapamahala ng palasyo, Shebna na kalihim at ang mga punong pari. Nakadamit silang lahat ng sako.

3Sinabi nila sa kanya, “Ito ang sinabi ni Haring Ezequias: Ito ang panahon ng paghihirap, pagtutuwid at kahihiyan. Katulad tayo ng isang babae na malapit nang manganak na wala nang lakas para iluwal ang sanggol.

4Ipinadala ng hari ng Asiria ang kumander ng kanyang mga sundalo para kutyain ang Diyos na buháy. Baka sakaling narinig ng Panginoon na iyong Diyos ang lahat na sinabi ng kumander at parusahan ito sa sinabi niya. Kaya ipanalangin mo ang mga natira sa atin.”

5Nang naipaalam na ng mga opisyal ni Haring Ezequias ang mensahe kay Isaias,

6sinabi ni Isaias sa kanila, “Sabihin ninyo sa inyong amo na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Huwag kang matakot sa narinig mong paglapastangan sa akin ng mga tauhan ng hari ng Asiria.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.