2 Mga Hari 20

Nang panahong iyon, nabalitaan ni Merodac-baladan na anak ni Haring Baladan ng Babilonia na nagkasakit si Ezequias. Kaya nagpadala siya ng mga sulat at regalo kay Ezequias.

2 Kings 20:12 (UKJV) At that time Berodachbaladan, the son of Baladan, king of Babylon, sent letters and a present unto Hezekiah: for he had heard that Hezekiah had been sick.

10Sumagot si Ezequias, “Mas madaling umabante ng sampung hakbang ang anino, kaya paatrasin mo na lang ito ng sampung hakbang!”

11Kaya nanalangin si Propeta Isaias sa Panginoon at pinaatras ng Panginoon ng sampung hakbang ang anino ng araw sa orasan na ipinagawa ni Ahaz.

12Nang panahong iyon, nabalitaan ni Merodac-baladan na anak ni Haring Baladan ng Babilonia na nagkasakit si Ezequias. Kaya nagpadala siya ng mga sulat at regalo kay Ezequias.

13Malugod na tinanggap ni Ezequias ang mga sugo, at ipinakita niya sa mga ito ang lahat ng mga bagay sa taguan ng kayamanan niya – ang mga pilak, ginto, sangkap, ibaʼt ibang uri ng pabango, mga armas at ang iba pa niyang mga kayamanan. Wala ni isang bagay sa palasyo o kaharian ang hindi niya ipinakita sa kanila.

14Samantala, pumunta si Propeta Isaias kay Haring Ezequias at nagtanong, “Saan ba nanggaling ang mga taong iyan at ano ang kailangan nila?” Sumagot si Ezequias, “Nanggaling sila sa malayong lugar ng Babilonia.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.