2 Mga Hari 20

Ang akala ni Ezequias ay hindi pa mangyayari iyon, kundi magiging mapayapa at walang panganib sa kapanahunan niya. Kaya sinabi niya kay Isaias, “Maganda ang mensaheng iyon ng Panginoon na sinabi mo sa akin.”

2 Kings 20:19 (UKJV) Then said Hezekiah unto Isaiah, Good is the word of the LORD which you have spoken. And he said, Is it not good, if peace and truth be in my days?

17Darating ang panahon na dadalhin sa Babilonia ang lahat ng kayamanan sa palasyo mo, pati ang lahat ng naipon ng mga ninuno mo na nariyan pa hanggang ngayon. Walang matitira, sabi ng Panginoon.

18At ang iba sa mga susunod na lahi mo ay bibihagin at magiging lingkod sa palasyo ng hari ng Babilonia.”

19Ang akala ni Ezequias ay hindi pa mangyayari iyon, kundi magiging mapayapa at walang panganib sa kapanahunan niya. Kaya sinabi niya kay Isaias, “Maganda ang mensaheng iyon ng Panginoon na sinabi mo sa akin.”

20Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Ezequias, at lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay, pati ang pagpapagawa niya ng imbakan ng tubig at dinadaluyan nito papunta sa lungsod ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

21Nang mamatay si Ezequias, ang anak niyang si Manases ang pumalit sa kanya bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.