2 Mga Hari 21

Kaya ako, ang Panginoon na Diyos ng Israel, ay magpapadala ng kapahamakan sa Jerusalem at sa Juda, at ang bawat isa na makakarinig nito ay matatakot.

2 Kings 21:12 (UKJV) Therefore thus says the LORD God of Israel, Behold, I am bringing such evil upon Jerusalem and Judah, that whosoever hears of it, both his ears shall tingle.

10Sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta:

11“Gumawa si Haring Manases ng Juda ng mga kasuklam-suklam na gawain, na mas masama pa kaysa sa ginawa ng mga Amoreo na nakatira sa lupaing ito bago dumating ang mga Israelita. Inudyukan niya ang mga taga-Juda sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan niya.

12Kaya ako, ang Panginoon na Diyos ng Israel, ay magpapadala ng kapahamakan sa Jerusalem at sa Juda, at ang bawat isa na makakarinig nito ay matatakot.

13Hahatulan ko ang Jerusalem katulad nang paghatol ko sa Samaria at sa sambahayan ni Haring Ahab. Lilinisin ko ang Jerusalem tulad ng pinggan na pinunasan at itinaob.

14Itatakwil ko kahit pa ang natira sa aking mga mamamayan at ibibigay ko sila sa mga kaaway nila bilang bihag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.