2 Mga Hari 21

Kung tutuparin lang ng mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ng lingkod kong si Moises, hindi ko ipahihintulot na palayasin sila sa lupaing ito na ibinigay ko sa mga ninuno nila.”

2 Kings 21:8 (UKJV) Neither will I make the feet of Israel move any more out of the land which I gave their fathers; only if they will observe to do according to all that I have commanded them, and according to all the law that my servant Moses commanded them.

6Inihandog pa niya ang sarili niyang anak sa apoy. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga mangkukulam at mga manghuhula, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng patay. Labis ang pagkakasala ni Manases na nakapagpagalit sa Panginoon.

7Ang ipinagawa niyang posteng imahen ng diyosang si Ashera ay inilagay niya sa Templo, ang lugar kung saan sinabi ng Panginoon kay David at sa anak nitong si Solomon, “Pararangalan ako habambuhay sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na pinili ko sa lahat ng lahi ng Israel.

8Kung tutuparin lang ng mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ng lingkod kong si Moises, hindi ko ipahihintulot na palayasin sila sa lupaing ito na ibinigay ko sa mga ninuno nila.”

9Pero ayaw makinig ng mga tao. Inudyukan sila ni Manases sa paggawa ng masasama at ang ginawa nila ay mas masama pa kaysa sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

10Sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.