8Si Jehoiakin ay labingwalong taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng tatlong buwan. Ang ina niya ay si Nehusta na taga-Jerusalem at anak ni Elnatan.
9Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Jehoiakim.
10Nang panahon ng paghahari niya, ang mga opisyal ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay lumusob sa lungsod ng Jerusalem at pinalibutan ito.
11Pumunta si Nebucadnezar sa Jerusalem habang pinalilibutan ng kanyang mga tauhan ang buong lungsod.
12At sumuko sa kanya si Haring Jehoyakin kasama ang kanyang ina, mga lingkod, mga tanyag na tao at mga opisyal. Noong ikawalong taon ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia, binihag niya si Jehoiakin.