8“Saan tayo dadaan kung lulusob tayo?” Tanong pa niya. Sumagot si Joram, “Sa ilang ng Edom.”
9Kaya lumakad ang hari ng Israel, kasama ang hari ng Juda at ang hari ng Edom. Pagkatapos ng pitong araw nilang paglalakad sa mahabang ruta, naubusan ng tubig ang mga sundalo at ang mga hayop nila.
10Sinabi ng hari ng Israel, “Ano ang gagawin natin? Ipinatawag ba tayong tatlo ng Panginoon para ipasakamay lang sa Moab?”
11Kaya nagtanong si Jehoshafat, “Wala bang propeta ng Panginoon dito para makapagtanong tayo sa Panginoon sa pamamagitan niya?” Sumagot ang isang opisyal ng hari ng Israel, “Si Eliseo na anak ni Shafat ay nandito. Dati siyang lingkod ni Elias.”
12Sinabi ni Jehoshafat, “Ang salita ng Panginoon ay sumasakanya.” Kaya pumunta kay Eliseo ang hari ng Israel, si Jehoshafat, at ang hari ng Edom.