2 Mga Hari 7

Nangyari rin ang sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari, “Bukas, sa ganito ring oras, isang pirasong pilak na lang ang halaga ng isang takal ng harina at ganoon din ang halaga ng dalawang takal ng sebada, sa pintuang-bayan ng Samaria.”

2 Kings 7:18 (UKJV) And it came to pass as the man of God had spoken to the king, saying, Two measures of barley for a shekel, and a measure of fine flour for a shekel, shall be tomorrow about this time in the gate of Samaria:

16Pagkatapos, lumabas ang mga tao sa bayan at kinuha nila ang mga mahahalagang bagay na naiwan sa kampo ng mga Arameo. Nangyari ang sinabi ng Panginoon na magiging isang pirasong pilak lang ang halaga ng isang takal ng harina at ganoon din ang halaga ng dalawang takal na sebada.

17Pinili ng hari ang pinagkakatiwalaan niyang opisyal para magbantay sa pintuan ng lungsod. Nang magtakbuhan ang mga tao, natumba ang opisyal at natapak-tapakan siya ng mga tao roon sa pintuan, at namatay siya ayon sa sinabi ng lingkod ng Diyos na si Eliseo noong pumunta ang hari sa kanya.

18Nangyari rin ang sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari, “Bukas, sa ganito ring oras, isang pirasong pilak na lang ang halaga ng isang takal ng harina at ganoon din ang halaga ng dalawang takal ng sebada, sa pintuang-bayan ng Samaria.”

19Sumagot noon ang opisyal ng hari, “Kahit na magpaulan pa ang Panginoon hindi magiging ganoon kadami ang ani.” Sumagot naman si Eliseo, ang tao ng Diyos, “Makikita mo na mangyayari iyon, pero hindi ka makakakain nito.”

20Iyon nga ang nangyari sa opisyal, dahil natapak-tapakan siya ng mga tao sa pintuan ng lungsod hanggang sa mamatay siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.