2 Mga Hari 8

Kaya pumunta si Jehoram sa Zair dala ang lahat ng kanyang karwahe. Pinalibutan siya at ang kanyang mga mangangarwahe ng mga Edomita. Ngunit kinagabihan ay sinalakay nila ang mga Edomita, nakalusot sila at nakatakas. Pagkatapos, nagsiuwi ang mga sundalo niya.

2 Kings 8:21 (UKJV) So Joram went over to Zair, and all the chariots with him: and he rose by night, and stroke the Edomites which compassed him about, and the captains of the chariots: and the people fled into their tents.

19Gayunpaman, ayaw wasakin ng Panginoon ang Juda dahil nangako siya kay David na magpapatuloy ang paghahari ng kanyang angkan, magpakailanman.

20Sa panahon ng paghahari ni Jehoram, nagrebelde ang Edom sa Juda at pumili sila ng sarili nilang hari.

21Kaya pumunta si Jehoram sa Zair dala ang lahat ng kanyang karwahe. Pinalibutan siya at ang kanyang mga mangangarwahe ng mga Edomita. Ngunit kinagabihan ay sinalakay nila ang mga Edomita, nakalusot sila at nakatakas. Pagkatapos, nagsiuwi ang mga sundalo niya.

22Hanggang ngayon, nagrerebelde pa rin ang Edom sa Juda. Sa panahon ding iyon, nagrebelde rin ang Libna.

23Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoram, at ang lahat na ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.