2 Mga Hari 8

Nang mamatay si Jehoram, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Ahazias ang pumalit sa kanya bilang hari.

2 Kings 8:24 (UKJV) And Joram slept with his fathers, and was buried with his fathers in the city of David: and Ahaziah his son reigned in his position.

22Hanggang ngayon, nagrerebelde pa rin ang Edom sa Juda. Sa panahon ding iyon, nagrebelde rin ang Libna.

23Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoram, at ang lahat na ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

24Nang mamatay si Jehoram, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Ahazias ang pumalit sa kanya bilang hari.

25Noong ika-labindalawang taon ng paghahari ni Joram na anak ni Ahab sa Israel, naging hari ng Juda ang anak ni Jehoram na si Ahazias.

26Si Ahazias ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang siyaʼy maging hari. Sa Jerusalem siya tumira at naghari siya sa loob ng isang taon. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Haring Omri ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.