2 Mga Hari 8

Sumama si Ahazias sa anak ni Ahab na si Joram sa pakikipaglaban kay Haring Hazael ng Aram. Naglaban sila sa Ramot-gilead at nasugatan si Joram

2 Kings 8:28 (UKJV) And he went with Joram the son of Ahab to the war against Hazael king of Syria in Ramothgilead; and the Syrians wounded Joram.

26Si Ahazias ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang siyaʼy maging hari. Sa Jerusalem siya tumira at naghari siya sa loob ng isang taon. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Haring Omri ng Israel.

27Sumunod siya sa pamumuhay ng pamilya ni Ahab. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon gaya ng ginawa ng pamilya ni Ahab dahil naging asawa niya ang isa sa kapamilya ni Ahab.

28Sumama si Ahazias sa anak ni Ahab na si Joram sa pakikipaglaban kay Haring Hazael ng Aram. Naglaban sila sa Ramot-gilead at nasugatan si Joram

29Kaya umuwi si Haring Joram na anak ni Ahab sa lungsod ng Jezreel para magpagaling ng kanyang sugat na tinamo niya sa Rama dahil sa pakikipaglaban niya kay Hazael na hari ng mga Arameo. Habang naroon siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.