2 Mga Hari 9

Sumagot sila, “Hindi totoo ʼyan. Sabihin mo sa amin.” Sinabi ni Jehu, “Ito ang sinabi niya sa akin, ‘Sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ ”

2 Kings 9:12 (UKJV) And they said, It is false; tell us now. And he said, Thus and thus spoke he to me, saying, Thus says the LORD, I have anointed you king over Israel.

10Si Jezebel naman ay kakainin ng mga aso sa lupain ng Jezreel at walang maglilibing sa kanya.” Pagkatapos ay binuksan ng batang propeta ang pinto at mabilis na umalis.

11Pagbalik ni Jehu sa mga kasama niyang opisyal, isa sa kanila ang nagtanong sa kanya, “May problema ba? Bakit ka pinuntahan ng baliw na ʼyon?” Sumagot si Jehu, “Kilala ninyo kung sino siya at kung ano ang kanyang pinagsasabi.”

12Sumagot sila, “Hindi totoo ʼyan. Sabihin mo sa amin.” Sinabi ni Jehu, “Ito ang sinabi niya sa akin, ‘Sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ ”

13Nang marinig ito ng mga opisyal, tinanggal nila ang mga balabal nila at inilatag sa hagdanan para kay Jehu. Pinatunog nila ang trumpeta at sumigaw, “Si Jehu na ang hari!”

14Nagplano si Jehu na anak ni Jehoshafat at apo ni Nimsi laban kay Joram. (Nang panahong iyon, ipinagtatanggol ni Joram at ng mga taga-Israel ang Ramot-gilead laban kay Haring Hazael ng Aram.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.