2 Pedro 1

Sapagkat nang parangalan at papurihan si Hesu-Kristo ng Diyos Ama, narinig namin ang tinig ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”

2 Peter 1:17 (UKJV) For he received from God the Father honour and glory, when there came such a voice to him from the excellent glory, This is my beloved Son, in whom I am well pleased.

15Kaya gagawin ko ang lahat upang matiyak kong maaalala nʼyo pa rin ang mga itinuro ko kahit wala na ako rito.

16Ang mga ipinangaral namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo ay hindi kuwentong gawa-gawa lang. Nasaksihan namin mismo ang kadakilaan niya.

17Sapagkat nang parangalan at papurihan si Hesu-Kristo ng Diyos Ama, narinig namin ang tinig ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”

18Narinig namin mismo ang tinig na nanggaling sa langit noong kasama namin si Hesus doon sa banal na bundok.

19Dahil nga rito, lalong tumibay ang paniniwala namin sa mga ipinahayag ng mga propeta noon. Kaya nararapat lang na bigyan nʼyo ng pansin ang mga sinabi nila, dahil para itong ilaw na tumatanglaw sa madilim na lugar hanggang sa araw ng pagdating ng Panginoon. Tulad siya ng tala sa umaga na nagbibigay-liwanag sa isipan ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.