2 Pedro 2

Ngunit nagkaroon din ng mga bulaang propeta sa mga mamamayan ng Israel noong araw, at ganito rin ang mangyayari sa inyo. Magkakaroon ng mga huwad na guro sa inyo at palihim nilang ituturo ang mga aral na makakasira sa pananampalataya ninyo. Itatakwil nila maging ang Panginoon na tumubos sa kanila, kaya biglang darating sa kanila ang kapahamakan.

2 Peter 2:1 (UKJV) But there were false prophets also among the people, even as there shall be false teachers among you, who privately shall bring in damnable heresies, even denying the Lord that bought them, and bring upon themselves swift destruction.

1Ngunit nagkaroon din ng mga bulaang propeta sa mga mamamayan ng Israel noong araw, at ganito rin ang mangyayari sa inyo. Magkakaroon ng mga huwad na guro sa inyo at palihim nilang ituturo ang mga aral na makakasira sa pananampalataya ninyo. Itatakwil nila maging ang Panginoon na tumubos sa kanila, kaya biglang darating sa kanila ang kapahamakan.

2Sa kabila nito, marami pa ring susunod sa nakakahiya nilang pamumuhay, at dahil sa kanila, malalapastangan ang katotohanang sinusunod natin.

3Dahil sa kasakiman nila, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng matatamis na salita upang perahan kayo. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila, at malapit na silang lipulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.