2 Samuel 10

Sinabi ni Joab kay Abisai, “Kung makita mong hindi namin kayang talunin ang mga Arameo, tulungan nʼyo kami. Ngunit kung makita naming hindi ninyo kayang talunin ang mga Amonita, tutulungan namin kayo.

2 Samuel 10:11 (UKJV) And he said, If the Syrians be too strong for me, then you shall help me: but if the children of Ammon be too strong for you, then I will come and help you.

9Nang makita ni Joab na may mga kalaban sa harap nila at likuran, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo ng Israel, at pinamunuan niya ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga Arameo.

10Si Abisai naman na kanyang kapatid ang pinamuno niya sa mga natitirang sundalo sa pakikipaglaban sa mga Amonita.

11Sinabi ni Joab kay Abisai, “Kung makita mong hindi namin kayang talunin ang mga Arameo, tulungan nʼyo kami. Ngunit kung makita naming hindi ninyo kayang talunin ang mga Amonita, tutulungan namin kayo.

12Magpakatatag tayo at buong tapang na makipaglaban para sa ating mga mamamayan at mga lungsod ng ating Diyos. Matupad nawa ang kalooban ng Panginoon.”

13Sinalakay nina Joab at ng mga tauhan nito ang mga Arameo, at tinakasan sila ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.