12Magpakatatag tayo at buong tapang na makipaglaban para sa ating mga mamamayan at mga lungsod ng ating Diyos. Matupad nawa ang kalooban ng Panginoon.”
13Sinalakay nina Joab at ng mga tauhan nito ang mga Arameo, at tinakasan sila ng mga ito.
14Nang makita ng mga Amonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas din sila palayo kay Abisai at pumasok sa lungsod nila. Pagkatapos, umuwi sina Joab sa Jerusalem mula sa pakikipaglaban sa mga Amonita.
15Nang mapansin ng mga Arameo na natatalo sila ng mga Israelita, muli silang nagtipon.
16Tinulungan sila ng ibang mga Arameo na ipinatawag ni Hadadezer mula sa kabila ng Ilog Eufrates. Pumunta sila sa Helam sa pamumuno ni Shobac na kumander ng mga sundalo ni Hadadezer.