2 Samuel 10

Ngunit muling tinakasan ng mga Arameo ang mga Israelita. Napatay nina David ang 700 mangangarwahe at 40,000 mangangabayo. Napatay din nila si Shobac, ang kumander ng mga sundalo.

2 Samuel 10:18 (UKJV) And the Syrians fled before Israel; and David slew the men of seven hundred chariots of the Syrians, and forty thousand horsemen, and stroke Shobach the captain of their host, who died there.

16Tinulungan sila ng ibang mga Arameo na ipinatawag ni Hadadezer mula sa kabila ng Ilog Eufrates. Pumunta sila sa Helam sa pamumuno ni Shobac na kumander ng mga sundalo ni Hadadezer.

17Nang malaman ito ni David, tinipon niya ang lahat ng sundalo ng Israel, tumawid sila sa Ilog Jordan at pumunta sa Helam. Naghanda ang mga Arameo para harapin si David, at nakipaglaban sila sa kanya.

18Ngunit muling tinakasan ng mga Arameo ang mga Israelita. Napatay nina David ang 700 mangangarwahe at 40,000 mangangabayo. Napatay din nila si Shobac, ang kumander ng mga sundalo.

19Nang makita ng mga haring kaanib ng mga Arameo, na sakop ni Hadadezer, na natalo na sila ng mga Israelita, nakipagkasundo sila sa mga Israelita at nagpasakop sa kanila. Kaya mula noon natakot nang tumulong ang mga Arameo sa mga Amonita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.