2 Samuel 13

Sinabi ni Jonadab sa hari, “Mahal na Hari, tingnan nʼyo po! Nandiyan po ang mga anak ninyong lalaki gaya ng sinabi ko.”

2 Samuel 13:35 (UKJV) And Jonadab said unto the king, Behold, the king's sons come: as your servant said, so it is.

33Huwag kayong maniwalang namatay ang lahat ng anak nʼyong lalaki. Si Amnon lang po ang pinatay.”

34Samantala, tumakas si Absalom. Nang mga oras ding iyon, may nakita ang mga tagapagbantay sa pader ng Jerusalem na may isang grupong paparating mula sa gilid ng burol sa gawing kanluran. Pumunta ang isang tagapagbantay sa hari at sinabi, “May nakita po kaming mga tao sa daan ng Horonaim, sa gilid ng burol.”

35Sinabi ni Jonadab sa hari, “Mahal na Hari, tingnan nʼyo po! Nandiyan po ang mga anak ninyong lalaki gaya ng sinabi ko.”

36Pagkatapos niyang magsalita, umiiyak na dumating ang mga lalaking anak ni David. Labis ding umiyak si David at ang lahat ng lingkod niya.

37Ipinagluksa ni David ang anak niyang si Amnon sa loob ng mahabang panahon. Nang tumakas si Absalom, pumunta siya kay Haring Talmai ng Gesur na anak ni Amihud. Doon siya nanirahan sa loob ng tatlong taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.