2 Samuel 15

Pagkalipas ng apat na taon, sinabi ni Absalom sa hari, “Payagan nʼyo po akong pumunta sa Hebron upang tuparin ang ipinangako ko sa Panginoon.

2 Samuel 15:7 (UKJV) And it came to pass after forty years, that Absalom said unto the king, I pray you, let me go and pay my vow, which I have vowed unto the LORD, in Hebron.

5At kung may lalapit na tao kay Absalom at yuyukod bilang paggalang, niyayakap niya ito at hinahalikan bilang pagbati.

6Ganito ang ginagawa ni Absalom sa lahat ng Israelitang pumupunta sa hari para idulog ang kaso nila. Kaya nakuha niya ang tiwala ng mga Israelita.

7Pagkalipas ng apat na taon, sinabi ni Absalom sa hari, “Payagan nʼyo po akong pumunta sa Hebron upang tuparin ang ipinangako ko sa Panginoon.

8Noong naninirahan pa ako sa Gesur na sakop ng Aram, nangako ako sa Panginoon na kung pababalikin ulit ako ng Panginoon sa Jerusalem, sasamba ako sa kanya sa Hebron.”

9Sinabi ng hari sa kanya, “Sige, magkaroon ka sana ng matiwasay na paglalakbay.” Kaya pumunta si Absalom sa Hebron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.