2 Samuel 17

Kumuha ng takip ang asawa ng lalaki, tinakpan ang balon, at nagbilad siya ng butil sa ibabaw nito para walang maghinalang may nagtatago roon.

2 Samuel 17:19 (UKJV) And the woman took and spread a covering over the well's mouth, and spread ground corn thereon; and the thing was not known.

17Nang mga panahong iyon, naghihintay sina Jonatan na anak ni Abiatar at si Ahimaaz na anak ni Sadoc sa En-rogel, dahil ayaw nilang makitang labas-masok sila lungsod ng Jerusalem. Pinapapunta na lang nila ang isang aliping babae upang sabihin sa kanila ang nangyayari, at saka nila ito sasabihin kay Haring David.

18Pero isang araw, nakita sila ng isang binatilyo, kaya sinabi niya ito kay Absalom. Kaya nagmamadaling umalis ang dalawa, at pumunta sa bahay ng isang lalaki sa Bahurim. Mayroong balon ang lalaking ito na malapit sa bahay niya, at doon, bumaba sina Jonatan at Ahimaaz para magtago.

19Kumuha ng takip ang asawa ng lalaki, tinakpan ang balon, at nagbilad siya ng butil sa ibabaw nito para walang maghinalang may nagtatago roon.

20Nang makarating ang mga tauhan ni Absalom sa bahay ng lalaki, tinanong nila ang asawa nito, “Nakita nʼyo ba sina Ahimaaz at Jonatan?” Sumagot ang asawa, “Tumawid sila sa ilog.” Hinanap sila ng mga tauhan pero hindi sila nakita, kaya bumalik sila sa Jerusalem.

21Nang makaalis ang mga tauhan ni Absalom, lumabas sina Jonatan at Ahimaaz sa balon, at pumunta sila kay Haring David. Sinabi nila sa kanya, “Tumawid po kayo agad sa ilog dahil nagpayo si Ahitofel na patayin kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.