2 Samuel 17

Nang dumating sina David sa Mahanaim, binati sila nina Shobi na anak ni Nahas na Amonitang taga-Rabba, Maquir na anak ni Amiel na taga-Lodebar, at Barzilai na Gileaditang taga-Rogelim.

2 Samuel 17:27 (UKJV) And it came to pass, when David was come to Mahanaim, that Shobi the son of Nahash of Rabbah of the children of Ammon, and Machir the son of Ammiel of Lodebar, and Barzillai the Gileadite of Rogelim,

25Pinili ni Absalom si Amasa na kapalit ni Joab bilang kumander ng mga sundalo. Si Amasa ay anak ni Jeter na Ismaelita. Ang ina niya ay si Abigail na anak ni Nahas at kapatid ng ina ni Joab na si Zeruias.

26Nagkampo si Absalom at ang mga Israelita sa Gilead.

27Nang dumating sina David sa Mahanaim, binati sila nina Shobi na anak ni Nahas na Amonitang taga-Rabba, Maquir na anak ni Amiel na taga-Lodebar, at Barzilai na Gileaditang taga-Rogelim.

28May dala silang mga higaan, mangkok, palayok, trigo, sebada, harina, binusang butil, buto ng mga gulay,

29pulot, mantika, keso at tupa. Ibinigay nila ito kay David at sa mga tauhan niya, dahil alam nilang gutom, pagod, at uhaw na ang mga ito sa paglalakbay nila sa ilang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.