40Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban, kaya natalo ko ang aking mga kalaban.
41Dahil sa inyo, umatras ang aking mga kaaway na may galit sa akin, at silaʼy pinatay ko.
42Humingi sila ng tulong, ngunit walang sinumang tumulong. Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.
43Dinurog ko sila hanggang sa naging parang alikabok na lamang na inililipad ng hangin, at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.
44Iniligtas nʼyo ako Panginoon sa mga rebelde kong mamamayan. Ginawa nʼyo akong pinuno ng mga bansa. Ang mga taga-ibang lugar ay sumusunod sa akin.