2 Samuel 5

Samantala, nagsugo ng mga mensahero si Haring Hiram ng Tiro kay David kasama ng mga karpintero at kantero. Nagpadala rin siya ng mga trosong sedro para maipagpatayo ng palasyo si David.

2 Samuel 5:11 (UKJV) And Hiram king of Tyre sent messengers to David, and cedar trees, and carpenters, and stone workers: and they built David an house.

9Matapos sakupin ni David ang matatag na kampo ng Zion, doon na siya tumira at tinawag niya itong Lungsod ni David. Pinadagdagan niya ito ng pader sa palibot mula sa mababang bahagi ng lungsod.

10Lalong nagiging makapangyarihan si David dahil tinutulungan siya ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan.

11Samantala, nagsugo ng mga mensahero si Haring Hiram ng Tiro kay David kasama ng mga karpintero at kantero. Nagpadala rin siya ng mga trosong sedro para maipagpatayo ng palasyo si David.

12At naunawaan ni David na ang Panginoon ang nagluklok sa kanya bilang hari ng Israel at nagpaunlad ng kaharian niya para sa mga mamamayang Israelita.

13Nang lumipat siya mula sa Hebron papuntang Jerusalem, marami pa siyang naging asawa; ang iba sa kanilaʼy mga alipin niya, at nadagdagan pa ang mga anak niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.