2 Samuel 5

Bumalik ang mga Filisteo at muling nagkampo sa Lambak ng Refaim.

2 Samuel 5:22 (UKJV) And the Philistines came up yet again, and spread themselves in the valley of Rephaim.

20Kaya nagpunta sina David sa Baal-perazim, at doon natalo nila ang mga Filisteo. Sinabi ni David, “Nilipol ng Panginoon ang mga kalaban ko na parang dinaanan ng rumaragasang baha sa harapan ko.” Kaya tinawag na Baal-perazim ang lugar na iyon.

21Iniwanan doon ng mga Filisteo ang mga diyos-diyosan nila, at dinala ito ni David at ng mga tauhan niya.

22Bumalik ang mga Filisteo at muling nagkampo sa Lambak ng Refaim.

23Kaya muling nagtanong si David sa Panginoon, at sumagot siya, “Huwag nʼyo agad silang salakayin kundi palibutan muna, at saka nʼyo sila salakayin malapit sa puno ng balsam.

24Kapag narinig nʼyo na parang may nagmamartsang mga sundalo sa itaas na bahagi ng puno ng balsam, dali-dali kayong sumalakay dahil iyon ang tanda na pinangungunahan ko kayo sa pagsalakay sa mga Filisteo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.