2 Samuel 5

Isang araw, pumunta si Haring David at ang mga tauhan niya sa Jerusalem para salakayin ang mga Jebuseo na nakatira roon. Sinabi ng mga Jebuseo kay David, “Hindi kayo makakapasok dito sa Jerusalem! Kahit mga bulag at pilay ay kaya kayong pigilan para hindi kayo makapasok.” Sinabi nila ito dahil iniisip nilang hindi makakapasok sina David.

2 Samuel 5:6 (UKJV) And the king and his men went to Jerusalem unto the Jebusites, the inhabitants of the land: which spoke unto David, saying, Except you take away the blind and the lame, you shall not come in here: thinking, David cannot come in here.

4Si David ay tatlumpung taóng gulang nang maging hari ng Israel, at naghari siya sa loob ng apatnapung taon.

5Naghari siya sa Juda sa loob ng pitong taon at anim na buwan habang nakatira siya sa Hebron, at tatlumpuʼt tatlong taon ang paghahari niya sa buong Israel at Juda habang nakatira siya sa Jerusalem.

6Isang araw, pumunta si Haring David at ang mga tauhan niya sa Jerusalem para salakayin ang mga Jebuseo na nakatira roon. Sinabi ng mga Jebuseo kay David, “Hindi kayo makakapasok dito sa Jerusalem! Kahit mga bulag at pilay ay kaya kayong pigilan para hindi kayo makapasok.” Sinabi nila ito dahil iniisip nilang hindi makakapasok sina David.

7Ngunit nasakop ni David at ng mga tauhan niya ang matatag na kuta ng Zion, na tinatawag ngayong Lungsod ni David.

8Nang hindi pa napapasok ni David ang Jerusalem, sinabi niya sa mga tauhan niya, “Doon kayo dumaan sa daanan ng tubig para makapasok kayo sa Jerusalem at talunin nʼyo ang mga ‘bulag at pilay’ na mga Jebuseo. Kinamumuhian ko sila!” Diyan nagsimula ang kasabihang “Hindi makakapasok ang mga bulag at pilay sa bahay ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.