2 Mga Taga-Tesalonica 2

Gagamitin niya ang lahat ng uri ng pandaraya sa mga taong mapapahamak. Mapapahamak sila dahil ayaw nilang mahalin at tanggapin ang katotohanang makapagliligtas sa kanila.

8Pagkatapos maalis ang pumipigil, lilitaw na siya. Ngunit sa pagdating ng Panginoong Hesus, papatayin niya ang suwail na taong ito sa pamamagitan lang ng isang hinga niya.

9Darating ang suwail na tao na taglay ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng nakalilinlang na himala, tanda at kababalaghan.

10Gagamitin niya ang lahat ng uri ng pandaraya sa mga taong mapapahamak. Mapapahamak sila dahil ayaw nilang mahalin at tanggapin ang katotohanang makapagliligtas sa kanila.

11Kaya pababayaan na lang sila ng Diyos sa matinding pagkalinlang upang maniwala sila sa kasinungalingan,

12nang sa ganoon, maparusahan ang lahat ng ayaw maniwala sa katotohanan at nagpakaligaya sa kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.