13Mga kapatid, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong mga minamahal ng Panginoon. At nararapat lang kaming magpasalamat, dahil noong una pa man ay pinili na kayong maligtas ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritung nagpapabanal sa inyo, at sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo sa katotohanan.
14Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makabahagi kayo sa kadakilaan ng Panginoong Hesu-Kristo.
15Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag at panghawakan nʼyo ang mga itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.
16Nawaʼy aliwin at palakasin kayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo at ng Diyos na ating Amang nagmahal at nagbigay sa atin ng walang katapusang kaaliwan at kalakasan, kalakip ang matibay na pag-asa dahil sa biyaya niya. At nawaʼy bigyan din kayo ng lakas ng loob na magpahayag at magsagawa ng lahat ng mabuti.