4Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba at itinuturing na diyos ng mga tao, at itataas ang sarili sa lahat ng mga ito. Uupo siya sa loob ng Templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos.
5Hindi nʼyo ba natatandaan na binabanggit ko na ang mga bagay na ito sa inyo noong kasama nʼyo pa ako?
6At alam ninyo kung anoʼng pumipigil sa kanya, upang sa takdang panahon ay lilitaw siya.
7Kahit ngayon, palihim nang kumikilos ang kasamaan ng taong ito, at nananatiling palihim hanggaʼt hindi pa inaalis ang pumipigil sa kanya.
8Pagkatapos maalis ang pumipigil, lilitaw na siya. Ngunit sa pagdating ng Panginoong Hesus, papatayin niya ang suwail na taong ito sa pamamagitan lang ng isang hinga niya.