2 Timoteo 1

Kay Timoteo na minamahal kong anak: Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.

2 Timothy 1:2 (UKJV) To Timothy, my dearly beloved son: Grace, mercy, and peace, from God the Father and Christ Jesus our Lord.

1Mula kay Pablo na apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos. Sinugo ako ng Diyos upang ipahayag ang tungkol sa buhay na ipinangako niyang makakamtan nating mga nakay Kristo Hesus,

2Kay Timoteo na minamahal kong anak: Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.

3Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglilingkuran ko nang may malinis na konsensiya, tulad ng ginawa ng mga ninuno ko. Nagpapasalamat ako sa kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi.

4Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, nasasabik akong makita ka upang maging lubos ang aking kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.