2 Timoteo 1

Dahil dito, pinaaalalahanan kita na lalo ka pang maging masigasig sa paggamit ng kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, na tinanggap mo nang patungan kita ng kamay.

2 Timothy 1:6 (UKJV) Wherefore I put you in remembrance that you stir up the gift of God, which is in you by the putting on of my hands.

4Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, nasasabik akong makita ka upang maging lubos ang aking kagalakan.

5Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya na naunang tinaglay ng iyong Lola Loida at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ito ngayon.

6Dahil dito, pinaaalalahanan kita na lalo ka pang maging masigasig sa paggamit ng kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, na tinanggap mo nang patungan kita ng kamay.

7Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

8Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na isang bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Diyos ay makibahagi ka sa mga pagtitiis dahil sa Magandang Balita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.