2 Timoteo 4

Si Lucas lang ang kasama ko. Kaya isama mo na rin si Marcos sa pagpunta mo rito dahil malaki ang maitutulong niya sa mga gawain ko.

2 Timothy 4:11 (UKJV) Only Luke is with me. Take Mark, and bring him with you: for he is profitable to me for the ministry.

9Pagsikapan mong makadalaw rito sa akin sa lalong madaling panahon

10dahil iniwanan ako ni Demas at nagpunta siya sa Tesalonica. Iniwanan niya ako dahil mas mahal niya ang mga bagay sa mundong ito. Si Cresente naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmatia.

11Si Lucas lang ang kasama ko. Kaya isama mo na rin si Marcos sa pagpunta mo rito dahil malaki ang maitutulong niya sa mga gawain ko.

12Si Tiquico namaʼy pinapunta ko sa Efeso.

13Pagpunta mo ritoʼy dalhin mo ang balabal ko na iniwan ko kay Carpo sa Troas. Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong mga gawa sa balat ng hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.