14Napakasamá ng ginawa sa akin ng panday na si Alejandro. Ang Panginoon na ang bahalang magparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa.
15Mag-ingat ka rin sa kanya dahil sinasalungat niya nang husto ang mga ipinangangaral natin.
16Walang sumáma sa akin sa unang paglilitis sa akin; iniwan ako ng lahat. Patawarin sana sila ng Diyos.
17Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon; binigyan niya ako ng lakas na maipahayag nang husto ang Magandang Balita sa mga hindi Hudyo. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan.
18Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen!