19Ikumusta mo ako kina Priscila at Aquila at sa pamilya ni Onesiforo.
20Si Erasto ay nanatili sa Corinto, at si Trofimo namaʼy iniwan ko sa Mileto dahil may sakit siya.
21Sikapin mong makarating dito bago magtaglamig. Kinukumusta ka nina Eubulo, Pudente, Lino, Claudia at ng lahat ng mga kapatid dito.
22Sumainyong lahat nawa ang Panginoon at ang biyaya niya.