6Ang buhay ko ay iaalay na, dahil dumating na ang panahon ng pagpanaw ko.
7Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya.
8At ngayon, may inilaan ang Diyos sa akin na korona ng katuwiran. Ibibigay ito sa akin ng makatarungang Panginoon sa araw ng paghuhukom niya. At hindi lang ako ang bibigyan, kundi maging ang lahat ng nananabik sa pagbabalik niya.
9Pagsikapan mong makadalaw rito sa akin sa lalong madaling panahon
10dahil iniwanan ako ni Demas at nagpunta siya sa Tesalonica. Iniwanan niya ako dahil mas mahal niya ang mga bagay sa mundong ito. Si Cresente naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmatia.