3 Juan 1

Kaya kapag pumunta ako diyan, isisiwalat ko ang mga pinaggagawa niya at ang mga paninirang ikinakalat niya tungkol sa amin. Bukod pa rito, hindi rin niya pinapatuloy ang mga kapatid na galing sa ibang lugar, at pinagbabawalan pa niya ang iba na tumulong sa kanila. At ang mga gusto namang tumulong ay pinapaalis niya sa iglesya.

8Kaya dapat natin silang tulungan, upang maging kabahagi tayo sa kanilang gawain para sa katotohanan.

9Sumulat ako sa iglesya diyan tungkol sa bagay na ito, ngunit hindi kami kinilala ni Diotrefes na naghahangad na mamuno sa inyo.

10Kaya kapag pumunta ako diyan, isisiwalat ko ang mga pinaggagawa niya at ang mga paninirang ikinakalat niya tungkol sa amin. Bukod pa rito, hindi rin niya pinapatuloy ang mga kapatid na galing sa ibang lugar, at pinagbabawalan pa niya ang iba na tumulong sa kanila. At ang mga gusto namang tumulong ay pinapaalis niya sa iglesya.

11Mahal kong kaibigan, huwag mong gayahin ang masamang ginagawa ng taong iyan. Sa halip, gawin mo ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay mula sa Diyos, at ang gumagawa ng masama ay hindi nakakakilala sa Diyos.

12Si Demetrio ay kapatid nating pinupuri ng lahat, at nakikita sa buhay niya na sumusunod siya sa katotohanan. Kami rin ay nagpapatotoo na mabuti siyang tao, at alam mong mapagkakatiwalaan ang sinasabi namin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.