1Mula sa matandang pinuno ng iglesya, Mahal na kaibigang Gayo, na minamahal kong tunay:
2Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong sanaʼy malusog ang iyong katawan at nasa mabuti kang kalagayan na tulad ng iyong buhay espirituwal na nasa mabuting kalagayan.
3Labis akong nagalak nang dumating dito ang ilang mga kapatid at nagpatotoo sila na tapat ka sa katotohanan at namumuhay ka ayon dito.
4Wala nang higit na makapagpapasaya sa akin kundi ang malamang namumuhay ayon sa katotohanan ang mga anak ko sa pananampalataya.