5Mahal kong kaibigan, ikaw ay tapat sa iyong pag-aasikaso sa mga kapatid na galing sa ibang lugar, kahit hindi mo sila kakilala.
6Ibinalita nila sa iglesya rito ang tungkol sa pag-ibig mo. Pakitulungan sila sa paraang kalugod-lugod sa Diyos na maipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.
7Sapagkat pumupunta sila sa ibaʼt ibang lugar alang-alang kay Kristo nang hindi tumatanggap ng kahit anong tulong mula sa mga Hentil.
8Kaya dapat natin silang tulungan, upang maging kabahagi tayo sa kanilang gawain para sa katotohanan.
9Sumulat ako sa iglesya diyan tungkol sa bagay na ito, ngunit hindi kami kinilala ni Diotrefes na naghahangad na mamuno sa inyo.