Mga Gawa 10

Habang pinag-iisipan ni Pedro kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita, sinabi ng Espiritu sa kanya, “May tatlong taong naghahanap sa iyo.

Acts 10:19 (UKJV) While Peter thought on the vision, the Spirit said unto him, Behold, three men seek you.

17Habang naguguluhan pa si Pedro at pinag-iisipan kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya, dumating naman sa lugar na iyon ang mga taong inutusan ni Cornelio. Nang malaman nila kung saan ang bahay ni Simon, pumunta sila roon. At pagdating nila sa tarangkahan,

18tumawag sila at nagtanong kung doon nanunuluyan si Simon na tinatawag na Pedro.

19Habang pinag-iisipan ni Pedro kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita, sinabi ng Espiritu sa kanya, “May tatlong taong naghahanap sa iyo.

20Tumayo ka at bumabâ. Huwag kang mag-alinlangang sumáma sa kanila, dahil ako ang nagsugo sa kanila.”

21Bumaba si Pedro at sinabi sa mga tao, “Ako ang hinahanap ninyo. Ano ang kailangan ninyo sa akin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.