Mga Gawa 10

“Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa Jerusalem at sa iba pang mga bayan ng mga Hudyo. Pinatay siya ng mga Hudyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

Acts 10:39 (UKJV) And we are witnesses of all things which he did both in the land of the Jews, and in Jerusalem; whom they slew and hanged on a tree:

37Alam din ninyo ang mga nangyari sa buong Judea tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Nagsimula ito sa Galilea matapos mangaral ni Juan tungkol sa pagpapabautismo.

38Ipinagkaloob ng Diyos kay Hesus na taga-Nazaret ang Banal na Espiritu at kapangyarihan. At dahil kasama niya ang Diyos, pumunta siya sa ibaʼt ibang lugar at gumawa ng kabutihan. Pinagaling niya ang lahat ng pinapahirapan ng diyablo.”

39“Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa Jerusalem at sa iba pang mga bayan ng mga Hudyo. Pinatay siya ng mga Hudyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

40Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ipinakita sa amin na siyaʼy buháy.

41Hindi siya nagpakita sa lahat kundi sa amin lamang na mga pinili ng Diyos na maging saksi upang ipamalita sa iba ang tungkol sa kanya. Nakasama pa nga namin siyang kumain at uminom pagkatapos na siyaʼy muling nabuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.