Mga Gawa 10

Inatasan niya kaming mangaral ng Magandang Balita sa mga tao at magpatotoo na siya ang tunay na pinili ng Diyos na maging tagahatol ng mga buhay at ng mga patay.

Acts 10:42 (UKJV) And he commanded us to preach unto the people, and to testify that it is he which was ordained of God to be the Judge of quick and dead.

40Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ipinakita sa amin na siyaʼy buháy.

41Hindi siya nagpakita sa lahat kundi sa amin lamang na mga pinili ng Diyos na maging saksi upang ipamalita sa iba ang tungkol sa kanya. Nakasama pa nga namin siyang kumain at uminom pagkatapos na siyaʼy muling nabuhay.

42Inatasan niya kaming mangaral ng Magandang Balita sa mga tao at magpatotoo na siya ang tunay na pinili ng Diyos na maging tagahatol ng mga buhay at ng mga patay.

43Si Hesu-Kristo ang tinutukoy ng lahat ng propeta nang ipahayag nila na ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

44Habang nagsasalita pa si Pedro, napuspos ng Banal na Espiritu ang lahat ng nakikinig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.