Mga Gawa 10

Ang mga mananampalatayang Hudyo na sumáma kay Pedro mula sa Jopa ay namangha dahil ipinagkaloob din ng Diyos ang Banal na Espiritu sa mga Hentil.

Acts 10:45 (UKJV) And they of the circumcision which believed were astonished, as many as came with Peter, because that on the Gentiles also was poured out the gift of the Holy Spirit.

43Si Hesu-Kristo ang tinutukoy ng lahat ng propeta nang ipahayag nila na ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

44Habang nagsasalita pa si Pedro, napuspos ng Banal na Espiritu ang lahat ng nakikinig.

45Ang mga mananampalatayang Hudyo na sumáma kay Pedro mula sa Jopa ay namangha dahil ipinagkaloob din ng Diyos ang Banal na Espiritu sa mga Hentil.

46Sapagkat narinig nilang nagsasalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan at nagpupuri sila sa Diyos. Kaya sinabi ni Pedro,

47“Wala nang makakahadlang sa kanila upang bautismuhan sila sa tubig sapagkat tulad natin, natanggap na nila ang Banal na Espiritu.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.