Mga Gawa 12

Saka lang napagtanto ni Pedro na hindi pala siya nananaginip. Sinabi niya, “Totoo pala talagang ipinadala ng Panginoon ang kanyang anghel, at iniligtas niya ako sa kamay ni Herodes at sa lahat ng inaasahan ng mga Hudyo na mangyayari sa akin.”

Acts 12:11 (UKJV) And when Peter was come to himself, he said, Now I know certainly, that the LORD has sent his angel, and has delivered me out of the hand of Herod, and from all the expectation of the people of the Jews.

9At sumunod nga siya sa anghel palabas ng bilangguan. Hindi alam ni Pedro kung totoo ang nangyayari. Ang akala niyaʼy nananaginip lang siya.

10Dinaanan lang nila ang una at ang pangalawang grupo ng mga guwardiya. Pagdating nila sa pintuang bakal na patungo sa loob ng lungsod, kusa itong bumukas kaya lumabas sila. Paglampas nila sa isang kalye, bigla na lang siyang iniwan ng anghel.

11Saka lang napagtanto ni Pedro na hindi pala siya nananaginip. Sinabi niya, “Totoo pala talagang ipinadala ng Panginoon ang kanyang anghel, at iniligtas niya ako sa kamay ni Herodes at sa lahat ng inaasahan ng mga Hudyo na mangyayari sa akin.”

12Nang maunawaan niya ang nangyari, pumunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming tao ang nagkakatipon doon para manalangin.

13Kumatok si Pedro sa pinto ng bakuran, at lumapit ang utusang si Roda para alamin kung sino ang kumakatok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.