Mga Gawa 12

Galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. Kaya nagkaisa ang mga tao na makipag-ayos sa hari dahil sa bayan nito nanggagaling ang kanilang pagkain. Bago sila pumunta sa kanya, kinaibigan muna nila si Blasto para tulungan sila, dahil katiwala siya ng hari.

Acts 12:20 (UKJV) And Herod was highly displeased with them of Tyre and Sidon: but they came with one accord to him, and, having made Blastus the king's chamberlain their friend, desired peace; because their country was nourished by the king's country.

18Kinaumagahan, nagkakagulo ang mga guwardiya dahil wala na si Pedro at hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya.

19Nag-utos si Herodes na hanapin siya, ngunit hindi nila siya natagpuan. Kaya pinaimbestigahan niya ang mga guwardiya at ipinapatay. Pagkatapos, umalis si Herodes sa Judea. Pumunta siya sa Cesarea at nanatili doon.

20Galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. Kaya nagkaisa ang mga tao na makipag-ayos sa hari dahil sa bayan nito nanggagaling ang kanilang pagkain. Bago sila pumunta sa kanya, kinaibigan muna nila si Blasto para tulungan sila, dahil katiwala siya ng hari.

21Nang dumating ang takdang araw, si Herodes, suot ang kanyang maharlikang damit, ay umupo sa kanyang trono at nagbigay ng talumpati sa mga tao.

22Sumigaw ang mga tao, “Isang diyos ang nagsasalita at hindi tao!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.