Mga Gawa 13

May nagbasa mula sa Kautusan at sa isinulat ng mga propeta. Pagkatapos, nag-utos ang namumuno sa sinagoga na sabihin ito kina Pablo: “Mga kapatid, kung may sasabihin kayo na makapagpapalakas-loob sa mga tao, sabihin ninyo.”

Acts 13:15 (UKJV) And after the reading of the law and the prophets the rulers of the synagogue sent unto them, saying, All of you men and brethren, if all of you have any word of exhortation for the people, say on.

13Umalis sina Pablo sa Pafos at bumiyahe papuntang Perga na sakop ng Pamfilia. Pagdating nila roon, iniwan sila ni Juan Marcos, at bumalik siya sa Jerusalem.

14Mula sa Perga, tumuloy sina Pablo sa Antioquia na sakop ng Pisidia. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta sila sa sinagoga at naupo roon.

15May nagbasa mula sa Kautusan at sa isinulat ng mga propeta. Pagkatapos, nag-utos ang namumuno sa sinagoga na sabihin ito kina Pablo: “Mga kapatid, kung may sasabihin kayo na makapagpapalakas-loob sa mga tao, sabihin ninyo.”

16Kaya tumayo si Pablo, at sinenyasan ang mga tao na makinig sa kanya. Sinabi niya, “Mga kapwa ko Israelita, at kayong mga Hentil na may takot din sa Diyos, pakinggan nʼyo ako.

17Ang Diyos na sinasamba nating mga Israelita ang siyang pumili sa ating mga ninuno. Pinarami niya sila noong nasa lupain pa sila ng Ehipto. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, tinulungan niya sila para makaalis sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.