Mga Gawa 14

Ang templo ng kanilang diyos na si Zeus ay malapit lang sa labas ng lungsod. Kaya nagdala ang pari ni Zeus ng mga torong may kuwintas na bulaklak doon sa pintuan ng lungsod. Gusto niya at ng mga tao na ihandog ito sa mga apostol.

Acts 14:13 (UKJV) Then the priest of Jupiter, which was before their city, brought oxen and garlands unto the gates, and would have done sacrifice with the people.

11Nang makita ng mga tao ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Bumaba ang mga diyos dito sa atin at nagkatawang-tao!”

12Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo dahil siya ang mismong tagapagsalita.

13Ang templo ng kanilang diyos na si Zeus ay malapit lang sa labas ng lungsod. Kaya nagdala ang pari ni Zeus ng mga torong may kuwintas na bulaklak doon sa pintuan ng lungsod. Gusto niya at ng mga tao na ihandog ito sa mga apostol.

14Ngunit nang malaman iyon ng mga apostol na sina Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang damit at tumakbo sila sa gitna ng mga tao at sumigaw,

15“Mga kaibigan, bakit kayo maghahandog sa amin? Tao lang din kaming katulad ninyo. Ipinangangaral namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran na ninyo ang mga walang kuwentang diyos na iyan at lumapit sa Diyos na buháy. Siya ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng bagay na narito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.